#PHinfo: Tagalog News: Mga minahan sa Caraga, nakibahagi sa pangangalaga sa kalikasan
LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Hulyo 14 (PIA) – Bilang bahagi ng culmination activity ng pagdiriwang ng Environment Month nitong taon, binigyang diin muli ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan sa isinagawang succulent dish gardening at environmental video competition sa pangunguna ng Mines and Geosciences Bureau Regional Field Office 13 (MGB-Caraga).
Ito ay sinalihan at sinuportahan ng iba’t ibang mining companies sa buong rehiyon ng Caraga kung saan ang panalong mga entry ay magsisilbing information, education and communication (IEC) at advocacy materials para sa hikayatin ang mamamayan na protektahan at ipreserba ang kalikasan,
Itinanghal na first place winner ang CTP Construction and Mining Corporation sa nasabing succulent dish gardening competition na sinundan ng Taganito Mining Corporation at nakuha naman ng Mindanao Mineral Processing Refinery Corporation (MMPRC) ang third place.
Samantala, para sa environmental video making competition, napanalunan ng Agata Mining Ventures, Inc. ang first place; MMPRC para sa second place at nakuha naman ng NAC-Hinatuan Mining Corporation ang third place.
Ayon kay MGB-Caraga regional director Engr. Glenn Marcelo Noble hinihikayat ng kanilang ahensya ang lahat ng mining frims na tumulong upang mapabuti ang estado ng buhay ng mga host at neighboring communities.
“Nais ng ating ahensya na magiging sentro at modelo ng responsible minerals industry ang rehiyon ng Caraga. Maliban sa naiambag ng mga mining institutions sa paglago ng ekonomiya, sinisiguro rin ng mga ito na matulungan ang mga apektadong komunidan ngayong panahon ng pandemya,” sabi ni Noble.
Sa katunayan ay umabot na sa mahigit kumulang P140 milyong halaga na ang tulong na kanilang naipaabot na tulong para sa mga frontliners, host communities at non-impact communities sa pamamagitan ng kanilang Social Development and Management Program (SDMP).
Sa tulong ng mining companies ay nakapagpatayo rin ng kauna-unahang molecular testing laboratory sa Caraga.
“Naipamalas ng mga mining firm dito sa Caraga ang kanilang malasakit sa mamamayan. Kanilang isinusulong ang prinsipyo ng people empowerment at nagbibigay ng naayong tulong upang palakasin pa lalo ang loob ng mga apektadong pamilya dulot ng pandemya,” sabi ni Noble. (VLG/PIA-Surigao del Norte)
***
- * Philippine Information Agency. “Tagalog News: Mga minahan sa Caraga, nakibahagi sa pangangalaga sa kalikasan.” Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1047484 (accessed July 14, 2020 at 02:41PM UTC+08).
- * Philippine Infornation Agency. “Tagalog News: Mga minahan sa Caraga, nakibahagi sa pangangalaga sa kalikasan.” Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1047484 (archived).