Tagalog News: Online training sa regional agricultural biotechnology, itinakda ng ATI

#PHinfo: Tagalog News: Online training sa regional agricultural biotechnology, itinakda ng ATI


Online training sa Regional Agricultural Biotechnology Communication  na isasagawa ng Department of Agriculture (DA) – Agricultural Training Institute (ATI) Mimaropa sa pakikipagtulungan sa Biotechnology Coalition of the Philippines (BCP). (Larawan mula sa DA-ATI Mimaropa)

NAUJAN, Oriental Mindoro, Hul. 14 (PIA) – Isang online training sa Regional Agricultural Biotechnology Communication   ang  itinakda  ng Department of Agriculture (DA) – Agricultural Training Institute (ATI) Mimaropa sa pakikipagtulungan sa Biotechnology Coalition of the Philippines (BCP).

Bunsod ng pandemya, mas minabuti ng kagawaran na gawing online ang pang-rehiyong pagsasanay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mga kawani ng mga ahensyang nabanggit, gayundin ng mga magiging kalahok sa pagsasanay.

Ayon sa DA-ATI Mimaropa, ang Regional Agricultural Biotechnology Communication  ay naka-akdang gawin noong unang semestre ng taong kasalukuyan ngunit hindi ito natuloy dahil sa krisis sa kalusugan. Sa halip na cluster wide face-to-face training, ang pagsasanay ay online na may 15 kalahok na inaasahang mga agriculture extension workers (AEW) o representante mula sa mga state, universities and colleges (SUC) sa rehiyon.

Magbibigay din ang ATI at BCP ng mga materyales sa pagsasanay tulad ng mga online modules at iba pang reference materials na makakatulong sa pag-aaral ng mga kalahok. Ang mga naturang materyales ay direktang ipapadala sa ATI Regional Training Center sa Naujan, Oriental Mindoro.

Ang pagsasanay ay tatakbo mula Hulyo hanggang Setyembre at ang lahat ng gastos na nauugnay sa nabanggit na aktibidad ay sagot ng BCP.

Ang pagkumpirma sa nasabing online training ay hanggang Hulyo 17 lamang. (LC/PIAMimaropa/Calapan)

***


References:

  1. * Philippine Information Agency. “Tagalog News: Online training sa regional agricultural biotechnology, itinakda ng ATI.” Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1047530 (accessed July 14, 2020 at 04:57PM UTC+08).
  2. * Philippine Infornation Agency. “Tagalog News: Online training sa regional agricultural biotechnology, itinakda ng ATI.” Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1047530 (archived).

Leave a comment