Tagalog News: Test, Trace at Treat laban COVID-19 ipinatutupad ng Lungsod ng Taguig

#PHinfo: Tagalog News: Test, Trace at Treat laban COVID-19 ipinatutupad ng Lungsod ng Taguig


LUNGSOD NG QUEZON, Hulyo 14 (PIA) – Upang mas maraming kababayan ang masuri, ibinahagi ng ni Mayor Lino Cayetano ng Taguig City ang kanilang plano na pag-igtingin ang pagpigil sa COVID-19 sa kanilang lungsod sa pamamagitan ng Test, Trace at Treat program. 

“Lagi kong pinapaalala dito sa Taguig, sa mga kababayan ko, hindi ho masama na mas agresibo tayong nagtutukoy ng mga may sakit kasi mas maganda ho na nakikita natin sino  sa atin ang may sakit,” ayon kay Mayor Cayetano.

Ang Test, Trace at Treat ay isang programa ng national government na ibinaba sa lokal na pamahalaan upang maging batayang stratehiya ng kanilang pagpapatupad laban sa sakit na COVID-19.

Target ng lokal na pamahalaan na mas marami ang ma-matest kaya’t sila ay naglunsad ng barangay based at drive thru testing kung saan nasubukan at nasaksihan ni Spokesperson Harry Roque. 

Ayon kay Mayor Cayetano ang Taguig City ay nakakapag test na ng mahigit  1,000 swab test kada araw  dahil na din sa pagtatayo  ng Enderun Colleges Tent Mega Swabbing Center ng national government. Mayroon din silang 128 swabbers.

Bukod pa rito, ang Taguig ay bumuo  din ng isang “contact tracing pyramid” ito ay isang contract tracing team na binubuo ng City of Epidemiology Disease Surveillance Unit (CEDSU), Emergency Response for Notifiable Infections and Emerging Disease (ERNIE), Barangay Health Emergy Response Team,  Barangay Health Workers (BHERT) at mga citizen ng nasabing lugar. Ang bawat grupo ay syang magmamatyag at kakatok sa bawat bahay  upang mas mapadali ang paglutas ng pagdami ng sakit  sanhi ng COVID 19 .

“Kasama rin sa programa ang agarang pagpapagamot at pagpapaospital para sa mga makakapitan ng sakit na COVID maging ang mga mapapabilang sa asymptomatic o may mild na nararamdaman na  walang kapasidad sa kanilang tahanan upang  mag-quarantine ay iimbitahan at aalagaan ng lungsod ng Taguig,” dagdag pa ni Cayetano. (TNN/PIA-IDPD)

***


References:

  1. * Philippine Information Agency. “Tagalog News: Test, Trace at Treat laban COVID-19 ipinatutupad ng Lungsod ng Taguig.” Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1047601 (accessed July 14, 2020 at 11:11PM UTC+08).
  2. * Philippine Infornation Agency. “Tagalog News: Test, Trace at Treat laban COVID-19 ipinatutupad ng Lungsod ng Taguig.” Archive Today. https://archive.ph/?run=1&url=https://pia.gov.ph/news/articles/1047601 (archived).

Leave a comment